
Ang numero uno naming suspetya sa aming kaibigan na itago natin sa pangalang, "Bob", ay noong gabing nagpunta kami sa Sta. Cruz para sa mahalagang pakay ng isa naming kaibigan na si Buhawi, na siya rin mismo ang may-ari ng sasakyan (Toyota Revo) na ginamit namin papunta doon.
Habang kami nasa biyahe patungo sa aming tutunguhin, si Buhawi ay nagtanong kay Bob, "Bob, gwapo ba ako?", si Bob ay nasa denial portion pa ng kanyang paglaladlad, siya ay pilit na hindi sumasang-ayon kay Buhawi.
Kasama rin namin si Peter, isa ring echoserang froglet na nagkukunwaring lalaki (Brusko).
Kasama rin namin si Peter, isa ring echoserang froglet na nagkukunwaring lalaki (Brusko).
Pagdating namin sa aming destinasyon, kaming tatlo nila Bob at Peter ay nagtungo muna sa isang convenience store habang naghihintay kay Buhawi.
At ang oras ay dumating na para kami ay lumarga, si Buhawi ay nagdesisyon na kumain muna kami sa isang pares house.
Habang tinatahak namin ang daan papunta sa kakainan, si Buhawi ay muling nagtanong kay Bob, "gwapo ba ako?", Dahil sa gutom ni Bob, at sa takot na hindi siya ilibre ni Buhawi, sumagot siya ng, "Oo, ang gwapo mo", at may karugtong pa na, "Crush nga kita nung mga elementary pa tayo." Ha? ano daw? bumigay ang loka!
Ang buong akala namin ay napilitan lang siyang sumagot ng "Oo" dahil sa gutom, yun pala ay may gusto din pala kay Buhawi. Ngayon, patuloy parin naming ino-obserbahan ang kanyang pagka-lalake.
May karugtong pa siguro 'to, hindi pa siya tuluyang naglaladlad e. Abangan niyo nalang. MGA CHISMOSO!!!
No comments:
Post a Comment