Si Sansuwi ay ang aming kaibigan na napaka-pihikan pagdating sa pagpili ng magiging gelplen (girlfriend), at hanggang ngayon nananatili itong palaisipan sa amin. Nang aming mabalitaan na siya ay nagkaroon na ng gelplen, kami ay natuwa para sakanya (ayiiii! kinilig naman ampota).
Pagkalipas ng ilang buwan (hindi ko alam kung gaano na sila katagal), nag-chismiss saken si Gardo, ang isa naming kababata, tungkol sa nabasa niyang tweet ni Sansuwi sa kaniyang twitter.
Binanggit daw dito ni Sansuwi ang tungkol sa pakiramdam ng may Brother-in-Law. What? May churva eklavu na si Sansuwi? ang ibig kong sabihin ay, may itinuturing na siyang Brother-in-Law? Mukhang nalalapit na ang kanilang pag-iisang dibdib ng kaniyang gelplen. (kilig)
Samantala, si Sansuwi ay wala naman naiku-kuwento sa amin tungkol sa kaniyang lablayf, kaya hindi kami sigurado sa mga ichini-chismiss namin. HAHAHA! bleh :P
Paunawa:
Ito ay isa lamang chismiss, huwag mong paniwalaan kung ayaw mo. MGA CHISMOSO!!!