Si Jaypee, ang kaibigan naming malakas uminom ng beer lalo na pag Pale Pilsen ang iinumin. Manong ang dating di ba? Samantalang kami ay, Red Horse o di kaya San Mig Light. Palagi niya kami inaaya uminom pero minsan ay hindi kami nakakasama, di kaya nagtatampo na siya? hahaha
Kama-kailan lang ay nabalitaan namin na siya ay minsang inalok ng isang Engineer para kumain sa labas, at nasundan pa ito pagkatapos ilang araw. At kami ay naging updated na thru Plurk sa tuwing sila ay lalabas at kung saan sila magpupunta.
Subalit, nang aking malaman na si Engineer ay isang Eklavu, ako ay lubhang nabigla dahil sila ni Jaypee ay palagi ng magkasama. Ako'y biglang napa-sulat dito sa blog na ito para i-chismiss sa karamihan ang kanilang pagtatagpo, (take note, silang dalawa lang ang magkasama).
Hindi kaya mayroon na silang lihim na pagtitinginan sa isa't-isa? nako po! Lihim pa ba nating tatawagin yun? hahaha. MGA CHISMOSO!!!